Thursday, December 9, 2010

2010

Ang bilis ng panahon.
Ang bagal din ng panahon.
Pakiramdam ko ay napakaraming nangyari sa akin sa taong 2010.
Parang ang dami kong naging roles at ang dami kong pinagdaanan.
Ngayong binabalikan ko ang lahat, nararamdaman ko na ang bawat blessing na bigay ni God ay dapat kong pinahahalagahan.
Hindi dapat sayangin at balewalain.
Thankful ako sa 2010.
Buong puso akong nagpapasalamat sa swerte at tiwala. Nararamdaman ko ang halaga ng bawat salapi. Ng bawat pagsisikap...kailangang binibigyang halaga.

Nagsimula ang taon nang hindi maganda dahil sa pagkamatay ng Tita ko
Then rumaket ako sa Yummy Magazine as food writer. Dito naginterview ako at nagreview ng mga restaurants.
Then followed by the launch of Habang May Buhay
Matagal tinrabaho ang show na ito. Ang daming dinaanan, nagsulat ako mula week 1 to 6. Hanggang sa dulo naging brainstormer na lang. Nang matapos ang scripts ako ang nagtahi ng mga kwento. Edit. Ganyan. I also worked as promo specialist of the show.
Hanggang sa intay intay ng bagong shows, intay at gawa. Mahirap at nakakadishearten pag wala namang natutuloy.
So rumaket muna ako sa iba't ibang lugar.
First may website akong na-chance sa internet. Tawag dito Essays.ph. Ok dito kasi nagbabayad talaga sila. Isang project ay around 500 pesos. Nakaearn ako ng around 20 plus thousand habang nagsusulat dito. Hindi mo siya mamamalayan, marami ka na palang naiipon.
Then nakasulat din ako sa isang show sa TV5.
Nagtravel ako sa Marinduque nuong holy week.
Pagbalik ko tinrabaho ko ang Pat is Tin pero sadly hindi talaga siya tuloy.
Hanggang sa may niraket din akong Travel Show.
Hanggang sa mag-assistant director ako sa Ganap na Babae na opening film sa Cinemalaya 2010
After that, nabigyan ako ng three year contract last August.
Then nagsulat ako sa M3. Comedy show siya so first time ko magpatawa. Parang ang dali ng naging buhay ko sa show na ito kasi dalawang drafts lang approved na ang script. I wrote for about 5 scripts for the show. Humirap na lang nung bandang dulo dahil ang dami kong revision. Weird bumawi ang buhay. Kung gaano kahirap ang ginagawa ko sa Habang May Buhay dati siyang dali ng M3. Naenjoy ko ang show na ito.
After M3, nagbakasyon ako sa Iloilo at Guimaras. First time solo travel ko. Hindi pa ako nakakapunta dito ever. Happy naman at dami kong nadiscover about myself.
Ngayon December, may ilang proyekto pa ring tinatrabaho.
Nagkaaward ang Habang May Buhay sa Golden Dove Awards. Navindicate naman ako, kami kahit paano.
May raket sa special project.
Hopefully makabakasyon with my parents na ako ang gagastos para sa kanila. Treat ko para sa kanila yun.
Sana next year, makapagpaapprove ng bagong shows at makasulat ulit ng soap. Makainvest ng property. Ipon. More rakets. Hit shows. Spread my wings more and more. Again thank You Lord.


No comments:

Post a Comment