Wednesday, November 24, 2010

romance in a take out box

ang hirap...i just rrealized i can't go on like this.
there is a reason why people want to couple up and cuddle. maybe not just only for the purpose of recreation, or security but maybe just maybe, being with a person just makes life a little less lonely. convenience man o availability.
may dahilan din kasi kung bakit ang tao ay nacreate nang mag-isa. Si God alam niya na kayang mabuhay nang mag-isa ang isang tao. Pero...pero...maraming mga bagay ang designed para sa dalawa.
Mga good for sharing na food, mga hotel room for two, ang magkabiyak na kalahating hearts na kapag pinagdugtong mo ay may mabubuong puso, popsicles na pag binali sa gitna ay pwedeng pandalawa, slice ng cheesecake na dapat ishare or else di mo kakayanin sa sobrang tamis, mga ulam or any food na dapat ishare dahil nakakaumay para iconsume ng isa. which makes me think, bakit may mga food na good for one pero mas masarap pag pinagsasaluhan? ganun din ba ang life?good for one pero mas masarap pag may kasalo ka?
ang tagal ko na ring mag-isa. three years siguro since the last pseudo relationship. hindi na ako sanay na magcare sa isang tao na hindi ko kamag-anak. o mga tao sa paligid ko na tinuturing kong kaibigan. minsan pa nga hindi ako nagiinvest ng concern o love, lalo na kapag alam kong wala akong makukuha in return. sa love kahit lugi ka na, go ka pa rin. kasi masaya ka eh.
sanay ako na may oras at panahon para lumandi...at ito ay kapag kelangan lang. hindi ko rin macarry ang demands ng ibang tao sa akin, lalo na ang supposedly karelasyon. bakit di nagtext, bakit hindi nakipagmeet? kapag ganito nagrerebelde ako. romance in a takeout box. yun yata ang kelangan ko.
until there are moments. pano ang mga moments na hindi mo pinagplanuhan. like ngayon. hindi ko pinlano na malulungkot ako ngayon, so walang nakaplano beforehand na landi. hindi naman ibig sabihin nuon ay libog na. so out of question ang alam mo na. sana nireciprocate ko muna ang texts at flirtation mula sa guy from my past o sa lalaking kakameet ko lang nung nagbakasyon ako para hindi sila magulat na itetext ko sila ngayon. ganun ang ibig kong sabihin. so anyway. mahirap din pala. let's see.

No comments:

Post a Comment