this is me trying to find stories, write stories and trying to put words into your mouths
Saturday, November 26, 2011
Ate Kune
Naalala ko yung pinaprioritize natin ang pag-aayos ng mga HR stuff at mga papeles dahil ayaw nating harapin ang nega dun sa isang show haha. Then yung parati mo akong sinasama sa mga seminar dahil sayang ang perang makukuha at the end of the seminar. then sinumulan ang NKE. Naalala ko mga meetings natin. nung binubuo pa yun. hanggang sa naapprove, nasimulan. yung pagsusulat, yung pagtyaga mo irevise ang script ko hanggang sa maapprove ang mga yun. yung mga lock in natin. yung Baguio/Ambuklao adventure.
yung pagpilit mo na kumain ako ng organic and healthy food at mag coffee enema. At pangungulit na magpapayat ako dahil sabi mo lalo akong gaganda pag pumayat. At pangungulit mo na itigil ko na ang pagyoyosi. yung sinama mo ako sa correctional kung saan ka nagvovolunteer. Nakita ko how well loved you are sa lugar na iyon. =)
Mahal ka nila dahil madaling mahalin ang katulad mo. All of these memories prove na isa kang magandang impluwensiya hindi lang sa akin, kundi sa mga taong maswerte dahil nakilala ka nila.
And I am happy na nakilala kita at nakatrabaho at naging kaibigan. Mamimiss kita, pero hindi ko makakalimutan ang lahat ng magagandang memories na iniwan mo. Thank you, ate Kune. Hope you're happy where you are now.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment